Deniega
~ Sa ating henerasyon ngayon ay maraming nagagawa ang mga kabataan kahit na bawal pa para sa kanilang edad tuad ng pag-iinom. Halos kalahati ng tao dito sa mundo ay may mga bisyo. Ang karamihan dito ay mga mas nakakatanda sa atin. Imbes na sila dapat ang magbibigay payo sa atin , sila pa ang nagdadala ng bisyo sa atin. Tulad din ng paninigarilyo ,ito din ay isang suliranin nga mga kabataan ngayon. Nakukuha ito ng isang tao sa mas nakakatanda sa kanila dahil nagiging interesado sila sa ganitong bagay.
Ang isa rin sa mga napakabigat na suliranin ng kabataan ngayon ay ang paggamit ng druga. Marami ang klase ng druga tulad ng shabu, mariwana, at cocaine. Dahil dito ay maraming kabataan ang naadik sa kahit ano ang trip na naiisip. At ang pag-gawa ng masama. Makukuha natin ito sa mga barkada nating masasama at iniimbitahan tayo at sasabihin sa atin ang mga positibong mangyari sa atin at hindo ang mga negatibo. At kapag nasubukan na natin ay nagiging depressant na natin ito kapag may problema at hangang maadik.
Napakarami talaga ng mga suliranin na nangyayari sa mga kabataan ngayon. At karamihan dito ay nasa murang edad pa. Kaya dapat tayong kabataan na hindi pa nalulong sa mga bisyo ito ay dapat na malaman natin kung ano ang epekto nito sa atin, At huwat natin itong subukan dahil ito ay makakasama lng sa atin, uminom nalang kaya ng gatas at sisigla pa kayo !!.
checked:
TumugonBurahinkulang ng solusyon o payo.