Huwebes, Enero 12, 2012

Cabalan

 ~ Sa panahon ngayon, maraming mga ibat-ibang karanasan ang mga kabataan. May iba na buntis ng maaga, nalulong sa droga,at nalulong sa alak. Hindi magkakaganito ang mga ibang kabataan kung hindi lang sila napabayaan sa kanilang mga magulang may mga ibang magulang na hindi nila napalaki ng maayos kasi, kulang sila sa oras pra sa kanilang anak.

 Marami  sa mga kabataan ngayon ang nagpapakasaya sa droga at alak. Hindi maganda kapag ginawa natin ito lalo na sa mga kabataan. Kapag may mga problema ang mga ibang kabataan iinom sila nang alak pero, kung ginawa natin yan mas lalo pang sasama ang ating mga problema dapat, marunong tayong magdala sa ating problema. Ang pag-inom ng alak ay makakasama sa ating kalusugan kaya, kung maari huwag dapat nating gawin ang mga hindi dapat gawin kasi, hindi ito maganda.

 Ang mga kabataan ngayon ay nagsusumikap sa pag-aaral,masunurin sa mga magulang, at ang mga kabataan ngayon ay nalilibang nila ang kanilang sarili sa mabuting paraan. Ang buhay nating mga kabataan ngayon ay dapat natin itong nililibang hangga`t maaga pa, magagawa pa natin kung ano ang dapat nating gawin .
 Deniega

 ~ Sa ating henerasyon ngayon ay maraming nagagawa ang mga kabataan kahit na bawal pa para sa kanilang edad tuad ng pag-iinom. Halos kalahati ng tao dito sa mundo ay may mga bisyo. Ang karamihan dito ay mga mas nakakatanda sa atin. Imbes na sila dapat ang magbibigay payo sa atin , sila pa ang nagdadala ng bisyo sa atin. Tulad din ng paninigarilyo ,ito din ay isang suliranin nga mga kabataan ngayon. Nakukuha ito ng isang tao sa mas nakakatanda sa kanila dahil nagiging interesado sila sa ganitong bagay.

 Ang isa rin sa mga napakabigat na suliranin ng kabataan ngayon ay ang paggamit ng druga. Marami ang klase ng druga tulad ng shabu, mariwana, at cocaine. Dahil dito ay maraming kabataan ang naadik sa kahit ano ang trip na naiisip. At ang pag-gawa ng masama. Makukuha natin ito sa mga barkada nating masasama at iniimbitahan tayo at sasabihin sa atin ang mga positibong mangyari sa atin at hindo ang mga negatibo. At kapag nasubukan na natin ay nagiging depressant na natin ito kapag may problema at hangang maadik.

 Napakarami talaga ng mga suliranin na nangyayari sa mga kabataan ngayon. At karamihan dito ay nasa murang edad pa. Kaya dapat tayong kabataan na hindi pa nalulong sa mga bisyo ito ay dapat na malaman natin kung ano ang epekto nito sa atin, At huwat natin itong subukan dahil ito ay makakasama lng sa atin, uminom nalang kaya ng gatas at sisigla pa kayo !!.
 Gomez

 ~ Ang Kanilang sulirann ay kulang sila sa pansin ng kanilang mga magulang at maari ding nadamay sila sa kanilang kaibigan dagil kung hindi nila gawin ang ginagawa ng kanilang grupo at ang kabataan ay nag-nanakaw dahil sa nag seselos sila dahil walang-wala sila, at ang iba naman ay sinasaktan ang iba na man mahina sa kanila dahil alam nila na walang kalabanlaban ang mas mahina sa kanila, sinasaktan din sila ng kanilang mga magulang at dapat tayong mga magulang mahalin ang ating mga anak...
 Berang

 ~ Maraming kabataan ang nakakaranas ng mga maraming problema , katulad ng kawalan ng tiwala sa sarili at pagmamahal sa magulang. kaya nalululong sa pagbabarkada at sa bisyo. Nawala na ang pag-iisip na meron pang magandang kinabukasang madadatnan. Ito na lang ang kanilang paraan para maging masaya sa buhay

 Makikita na natin ang mga maraming tambay sa kanto na ang ginagawa nalang nila ay pag-iinum at paninigarilyo. Di ba , kung titingnan natin ay hindo makatarungan. Paranag napariwara na talaga ang kanilang buhay at parang nawalan ng saysay ang kanilang buhay. Sayang na sayang talaga ....

 Sana matauhan na sila na ang lahat ng tao ay nabubuhay na may kabuluhan sa mundo. hindi lang natin sayangin, dahil tayo mga kabataan ang pag-aasa ng sambayanang Pilipino .. "SAGISAG NG TUWA AT PAG-ASA !!"

 Godito

 ~ Sa panahon ngayong maraming mga kabataan ay nakakaranas na nga mga malaking problema na hindi naman dapat mapupunta sa kanila, Maraming dahilan ang mga kabataan kung bakit sila natutung mag civil sa kanilang mga pamilya. Ang una ay kawalan ng pagmamahal ng magulang, dahil dito natutu sila na magbabarkada, dahil narin naiisip nila na mas mabuti pa ang barkada ng nagmamahal.

 Dahil dito unti-unting mawawala sa kanilang isip na meron silang mga magulang na namagmamahal. ang pangalawa naman ay ang kakulangan sa budget nang isang pamilya, dahil dito nawawalan na n ang mga kabataan ng pag-asa para mag-pursege para mag-aral, dahil rin dito na papaunta ang mga bata ngayon bilang isang tambay.

 Marami sa atin ay nakakakita ng mga tao na nasa menordeng edad palamang na marunong nang mag bisyo, gumamit ng droga at umiinom.

 Sana bilang isang studyante sa paaralan at isang tambay sa bahay ay matututo na ang mga kabataan na mag sipag at matutung maghanap ng diskarte. Dahil lahat ng tao ay may kakaibang taglay na binigay ng diyos.
at laging tatandaan na ang buhay ay "WEATHER WEATHER LANG !!"
 Celocia

   ~Ang bawat kabataan ay mga suliraning kinakaharap sa buhay. Katulad ng [aninigarilyo, pag-iinm at paggamit sa bawal na droga. Ito ay mga pangkaraniwang suliraning makikita at mraririnig natin sa telebesyon, radyo, at maging sa pahaagan. Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan, katulad ng "Ano kaya ang aksyon na ginawa ng mga nkakataas?Ano kaya ang mangyayari sa kabataang nawala ang landas?Meron pa kayang magandang kinabukasan ang mga kabataang ito ?" marahil siguro, ang mga tanong na ito ay naitatanong rin ninyo sa inyong sarili. Ito ay mga simpleng tanong lamang pero, napakalaki ng epekto nito sa atin.

 Sa aking pagkakaalam ay lalong tumaas ang mga kabataang nalululong dito dahil sa maling pagpapalaki nga magulang sa kanilang anak. Marahil hindi binibigyan ng halaga ng mga magulang ang kanilang anak.Tinutuon lamang nila ang kanilang sarili sa trabaho.
 Bilang isang kabataan, namumulat ako sa katotohanang nasa sa atin ang problema, dahil kung iisipin natin ng maigi ang mga gagawin natin. malamang marami ang magsasakripisyo at malamang uunlad ang bayan.
Dahil naniniwala ako na ang "KABATAAN AY PAG-ASA NG BAYAN"